Brace yourselves, the Boards is coming

Standard

Nung third year med ako, I chanced upon a blog of a newly-licensed MD of that year. Sabi nya, nakaka-overwhelm daw mag-review for the Physician Licensure Examinations. During those times na nasa examination phase na siya, all the more. Sabi niya sa sarili niya, papasa naman siguro siya for the following reasons:

1. Nag-aral naman siya.

– sabagay, kung nag-aral ka naman talaga, at least may maisasagot ka

2. Naging mabait at maayos naman siya sa mga naging pasyente niya as clerk or intern.

– base sa principle ng good deeds, susuklian naman daw siguro ng Diyos yung mga sakripisyo nya sa ospital

3. Sasabay na lang siya sa anod ng karamihan.

– may tinatawag kasing ‘curve’ sa exam, yung naa-adjust ang passing score base sa score ng mga nakakarami, or at least that’s how I understand it

Today, it’s exactly 30 days from my own medical board exam. Sinong mag-aakala na matatapos ng isang “taga-uma” (what we call ourselves, those whose houses are in the rural areas amidst the ricefields of our town) ang UP Medicine, and here I am now about to take the boards after five long years. I am overwhelmed. Naalala ko tuloy yung blog na nabasa ko before. And I think, his or her thoughts are also my thoughts right now.

Nag-aral naman ako, at nag-aaral pa rin. Ang dami nga lang sasauluhin, at mukang di naman talaga matatapos. Kung may matapos man, nakakalimutan din agad. One thing is very amazing pala pag nag-aaral for boards — mas naiintindihan mo yung mga di mo naiitindihan as med student, clerk or intern. How I wish, alam ko to every time humaharap ako sa residents/consultant at mga pasyente para di naman nakakatanga or nakakahiya minsan.

Naging maayos naman ako sa mga naging pasyente ko, and I treated them na parang si Lord nagbigay para matulungan ko, and at the same time, para matuto ako. Serve and learn, turo samin yan ng college. I remember the days when I write about some of my patients’ stories nung di pa ganun ka-busy. Right now, gusto ko sila maalala uli, lalo na yung may impact sa buhay ko as a med student. Because I want to be inspired kahit papano despite all these review materials that I have to eat.

Sasabay na lang ako sa anod, sana makasabay ako sa tinatawag nilang ‘curve.’ I am just an average student sa med, pasang-awa to the max lagi, minsan nagre-removals pa sa Pharmacology nung second year, Surgery nung third year at Family Med sa internship. But then again, sa simula palang nung first year, pinilit ko na yung sarili ko na maniwala na ang Diyos ang nagpapaaral sa akin, at instrument lang ang pagpilit sakin ng mga tita ko at ang pagpapaaral sa akin ng parents ko.

So, after all these, ano na ako? Sana by September this year, I am already a newly-licensed physician. Naumpisahan ko na, konti na lang. I just need your prayers, all those who happen to visit my site. Para sa mga naghihintay sakin sa Bicol, sa mga kapitbahay namin na umaasa ng medical checkup at di makapunta sa duktor, para sa mga kapatid ko na naghihintay ng libre dahil ang tagal ko na daw na nag-aaral at tumatanda na ako, para sa parents ko na nag-eexpect sakin at nagsakripisyo, para sa Nasa Itaas na nagpaaral sa akin. 

Ang hirap pala kumbinsihin ang sarili, kung may mga katabi kang reviewer na kailangan pang basahin. Come what may. Whatever happens, buhay pa rin naman ako. Puso. Tiwala lang. Laban.

Advertisements