Mabalos

Standard

Mabalos to everyone who helped me become a full-fledged physician. Mabalos means ‘thanks’ in Bicol. More than a month ago, I wrote Brace yourselves, the Boards is coming and shared it to some of my closest friends and relatives. Sabi sakin dati ng isang kaibigang duktor, kung magte-take na ako ng board exam, wag ko gagayahin ang iba na ayaw sabihin kasi natatakot malaman kapag bumagsak. Dapat daw, ipaalam ko sa mga pinagkakatiwalaan ko, para my support pa rin ako kahit anong mangyari. I followed his advice. And so this entry is also for them.

Almighty GOD, for giving me this opportunity and birthday gift.

Mabalos. Wala na ko masabi, buhay pa rin ako, nakaka-amaze lang kung paano ako napunta sa medical field, from that time na muntik na ako maligaw sa Alabang sa unang beses ko sa Manila sa pag-aasikaso  pa lang ng NMAT (National Medical Admission Test) application ko, and kung paano nung first year med pa lang ay hinayaan ko na lang manakaw ang bago kong Toshiba laptop kaysa naman pagsasaksakin ng grupo ng Laglag-Barya gang. Miracles happen, buhay pa rin ako at naging duktor. Thank You. Mas mag-iingat na din ako sa pagtawid para may pakinabang ako ng maayos kay Lord.

Patients

Mabalos for allowing yourselves to become our teachers. Kahit awkward sainyo na ‘duktor-duktoran’ pa lang ang unang humaharap lalo na pag SGD (Small Group Discussions)/OSCE (Objective Structured Clinical Examinations), sa clinic at wards. Mabalos for trusting your SIC (Student-in-charge). Naalala ko pa yung names ng iba but they are already in peace. God bless your soul Kreng, John Robert, Arvey, Lola Pacita, Ate Bernadette, Tatay Zacharias.

Mama, Papa, Dhaden, Yatyat, Tin2

Mabalos sa pagpapa-aral, sakripisyo at suporta. Mabalos for being my number one fans and inspiration.

Nen2, Kuya Darrel

Mabalos for being my allies in surviving the urban Manila life.

My Beloved Families and Relatives (Gornal, Tagomata, Espares, Ferandez/Fernandez, Zagada, Salcedo, Huerno, Lavilla, Delgaco)

Mabalos sa ngamin na suporta, dire ko na kamo ping-usad usadon ta sana raw agko pa ko malingawan, basta kaiba kamo san.

Kuya Mike/Dr. San Juan

Mabalos for being a true friend, guide and inspiration. Idol!

Block Y

Mabalos for our team kahit may mga di pagkakaintindihan kapag pagod na sa duty or unfair lang talaga schedule. Ang swerte pa rin natin sa trackers at sa rotations, dabest!

UP College of Medicine

Mabalos for the grueling exams and SGDs, preceptorials, demo-return demo, OSCEs.

Previous senior interns from Class 2013, some previous clerks of Class 2015, some PGH nurses

Mabalos for the teamwork and friendship.

UP Philippine General Hospital

Mabalos for letting us ‘serve and learn’ from your patients. Nakakapagod ka, nakakagutom, nakakangiti, nakaka-ewan ang nagagawa mo samin. Mabalos sa pagiging isang hulmahan ng panahon at pagkakataon sa aming mga duktor at nagduduktor. Mabalos kahit minsan  kinakain na kami ng OR or sandamakmak ang mino-monitor na pasyente or ginigisa kami ng consultants or nagiging manong/manang kami sa pag-run ng labs.

UP Med Class 2014

Mabalos for the five years with you, lalo na sa first two years natin sa med school. I really appreciated those classmates who extended their helping hands in every possible way. Alam nyo naman kung sinu-sino kayo.

Pisay-Bicol ’05

Mabalos for the support kahit di ako nagpaparamdam, sana makasama na uli ako sa mga get-together.

Teachers from LOES, Pisay, UPLB

Mabalos for everything.

Phileos brods and sisses

Mabalos for the support lalo na yung mga nakakasalubong at nakakausap ko pa.

AC-CYA

Mabalos for the prayers and fellowship.

UP Med Regionalization Students’ Organization

Mabalos for the camaraderie and reminders to go back and serve our own regions.

Topnotch

Mabalos for guiding the path of reviewing

UP Med CLC, Fr. Jordy, Fr. Nono, Fr. Francis

Mabalos for helping me with my own struggles, mabalos for your support and prayers.

Dra. Rances-Tuy

Mabalos for guiding me on my Regionalization Program

Dr. and Dra. Ladia, Dra. Gomez, Dra. Cuayo-Juico; Kuya Renz

Mabalos for giving me scholarships; Mabalos for arranging my STFAP

BMC Doctors and Nurses

Mabalos for helping me in my third year IM elective

Mga Baboy na Inalagaan nila Mama and Papa

Mabalos for becoming a part of my tuition/allowance.

I hope mabigyan ko ng justice ang pagiging duktor ko. Dapat lang. I have my issues in life but I promise to help people. Isang rason kung bakit ako nagduktor is because di ako marunong magpakita ng concern/love sa mga tao, lalo na sa parents ko. So I intentionally masked it with being in the caring field. I believe it is a work in progress.

Med student pa lang, sinasanay na kami tawaging Dok. Kami naman, tuwang tuwa, parang legit na, pero duktor-duktoran pa lang naman. This time it’s real. Ewan ko, baka sakin lang to. Kapag pasyente na ang tumawag sayo ng Dok, alam mong iba siya sa pagtawag sayo ng Dok ng mga kaibigan o kakilala mo. Alam mong iba ang pakiramdam kapag pasyente o bantay na ang tumawag nun sayo.

Advertisements